About the founder

French changed our family’s future.

A personal journey from fear and uncertainty to Level 10 French—and a mission to make the path clearer for other Filipinos.

Prof. Nelbert in his professional office
Prof. Nelbert with his family during autumn in Québec

Ako si Nelbert, isang Pilipino na nanirahan sa Québec noong 2019. Marami akong pinagdaanang challenges para makuha ang permanent residence ng aking pamilya.

High school graduate ako sa old curriculum ng Pilipinas at TESDA NC II holder. Pero nalaman ko na hindi pala sapat ang mga ito bilang equivalent ng Canadian high school diploma. Para maging qualified sa PR program, kailangan kong maabot ang Level 7 sa French.

Sa simula, sobrang hirap para sa akin. Nai-stress ako kapag hindi ko naiintindihan ang mga naririnig ko. Minsan, iniiwasan ko pa ang mga taong hindi marunong mag-English dahil natatakot akong hindi kami magkaintindihan. Pero isang buwan matapos akong dumating sa Québec, nagdesisyon akong magsimulang mag-aral ng French.

Sa loob ng 20 buwan ng part-time studies sa private at public schools, naabot ko ang Level 7. Pero sa una kong official TCF exam, Level 5 lamang ang nakuha ko. Hindi ako sumuko. I continued learning and practicing. Makalipas ang isang taon, nag-retake ako at nakamit ko ang Level 10—doble sa level na kailangan ko.

Dahil sa tiyaga, determinasyon, at tulong ng French language, nakuha rin namin ang aming permanent residence.

Ngayon, gusto kong ibahagi sa kapwa ko Pilipino ang clear, practical, at step-by-step guidance na sana ay mayroon din ako noong nagsisimula pa lamang akong matuto ng French.

— Nelbert

Hear the story

A message from Nelbert

Learn more about the experience and purpose behind ICI Français Formation.

Let’s talk about your goal

Find the right starting point for your French journey.

Message us